Table Of ContentLiving Under The Same Roof (The Hottie and The Promdi)
by i_love_kyle
Ako si Tina, isang probinsyana. Lumuwas ako ng Maynila upang mag-aral,
para maiahon sa kahirapan ang aking mga magulang.
Pero dahil di sapat ang ipinapadalang pera sa akin nina inay at itay,
kinailangan kong magtrabaho habang nag-aaral.. Ngunit di pa rin yun
sapat..
Kaya napilitan akong humanap ng makakahati sa renta ng apartment na aking
tinutuluyan dito sa Maynila.. At nakahanap naman ako..
At nasabi ko bang,, SYA LANG NAMAN ANG PINAKA-GWAPONG NILALANG NA NAKITA
KO SA TANANG BUHAY KO..
Sinuwerte nga ba ako o ito ang simula ng kalbaryo ko...
=================
Prologue
PROLOGUE
Ako si Tina, isang probinsyana. Lumuwas ako ng Maynila upang mag-aral,
para maiahon sa kahirapan ang aking mga magulang.
Pero dahil di sapat ang ipinapadalang pera sa akin nina inay at itay,
kinailangan kong magtrabaho habang nag-aaral.. Ngunit di pa rin yun
sapat..
Kaya napilitan akong humanap ng makakahati sa renta ng apartment na aking
tinutuluyan dito sa Maynila.. At nakahanap naman ako..
At nasabi ko bang,, SYA LANG NAMAN ANG PINAKA-GWAPONG NILALANG NA NAKITA
KO SA TANANG BUHAY KO..
Sinuwerte nga ba ako o ito ang simula ng kalbaryo ko...
=================
Chapter 1: Sunday Morning
Chapter 1
Naalimpungatan ako at naramdaman ko na parang may nakadagan sa akin.
Pagbaling ng ulo ko sa kaliwa at pagdilat ng mga mata ko...
"Aaahhhhhhhh!!!!" Sabay tulak sa lalaking nakadagan sa akin, sabay hatak
ng kumot pataas hanggang sa leeg ko gamit ang dalawang kamay ko. Pagdilat
ko kasi nakita ko lang naman ang mukha ni Blake ilang inches lang ang
layo sa mukha ko, nakayakap pa sya sa akin at nakadantay ang isang paa.
Tapos naka-shorts lang sya.. Sino ba namang di magugulat nun diba??
diba??
Dahil halos kalahati lang naman ng katawan nya ang nasa kama ko, kasi
naman pang isahan lang 'to.. at medyo napalakas ata yung tulak ko,
nalaglag tuloy sya sa kama.. buti na lang mababa lang 'tong kama ko...
"Aray naman! Kitang natutulog yung tao eh.." nakaupo sya sa sahig at
hinihimas yung balikat nya.. yun siguro yung tumama sa sahig pagbagsak
nya...
"Eh k-kasi naman, may sarili ka namang kama, bakit dito ka pa sa kama ko
sumisiksik?!!" pasigaw kong sabi sa kanya habang tinuturo kung san
nakapwesto yung kama nya.. Isang kwarto lang kasi ang tinutuluyan namin,
studio type. At makapal na kurtina lang ang pinakapader namin.. para
kahit papano may privacy kami..
"Sensya naman nag sleep walk talaga ako.. Malay ko bang naglakad ako
papunta dyan sa kama mo, eh tulog nga diba?? Feeling mo naman gusto kong
tabihan ka.. Probinsyana!!"
"Eh ano naman ngayon kung probinsyana ako?? Aber?! Masama?!" Kapal ng
mukha nitong mokong na 'to.. Bakit kala ba nya gusto ko din syang
katabi.. Hallerr!! Bakit di nya kasi itali o ikadena yung sarili nya sa
kama, nang mapirmi sya dun! Di yung ganto na bigla na lang akong
magigising, may malaking taong nakadagan sa akin!!
"Ewan ko sa'yo!! matutulog na lang ulit ako!" hinawi nya yung kurtina at
lumakad papunta sa kama, humiga ng padapa at natulog ulit.
"Tignan mo 'tong taong 'to di man lang inayos yung kurtina.. Feeling
naman nya gusto ko syang makita habang natutulog.."
"Anong binubulong-bulong mo dyan?!"
"Wala, sabi ko sweetdreams.. " bangungutin ka sana dugtong ko, pabulong
lang para di nya marinig..
=================
Chapter 1: Sunday Morning (2nd part)
Chapter 1: Sunday Morning (2nd part)
Dahil di na naman ako makakabalik pa sa pagtulog, inayos ko nga lang yung
kama ko, at pumunta sa banyo para maghilamos at magmumog. Pagkatapos
nagsuklay ako at tinirintas ko yung mahabok kong buhok.
Paglabas ko ng banyo diretso na ako sa munting kusina namin, oo munti
kasi maliit lang 'tong kwarto, kaya lahat ng gamit dito maliit, pang-
dalawang tao lang talaga. Nagpakulo ako ng tubig sa takure, di kasi
kumpleto ang araw ko pag di ako nag-kape sa umaga. Pagkakulo, kumuha ako
ng tasa at nilagyan ng mainit na tubig. Tapos umupo na ako sa upuan na
nasa tabi ng maliit na lamesa, nakapwesto sa tabi ng pader sa may ibaba
ng mga kama namin ni Blake. Sa ibabaw ng lamesa nakapatong yung lalagyan
ng kape, asukal at creamer. Nilagyan ko yung tasa ko ng isang kutsaritang
kape, dalawang kutsaritang asukal at creamer, at hinalo ito.
Hihigop na sana ako ng kape, nakanguso pa nga yung labi ko kasi hinipan
ko muna ng konti yung kape, mainit eh.. nang..
"Uy, uy..." Hinawakan ni Blake yung tasa ng kape ko at kinuha sa akin..
Ay, grabe ano kayang kamay meron sya, di man lang napaso.. Ang inti kaya
nung tasa.. Pagkakuha nya sa akin.. sabay inom!!
"Aba!! Nauna ka pa talaga sa akin eh noh?!! Try mo kayang magtimpla ng
sarili mo.. At Tsaka teka, diba sabi mo matutulog ka ulit?!!" Pasigaw
kong sabi sa kanya.. Kase agawan ka ba naman ng kape diba?? diba??
"Dami mo namang sinasabi! Anong magagawa mo di na rin ako makatulog?!
Tsaka ang ingay mo ba naman! Maghahalo ka lang ng kape.. At ang damot mo
din 'no? Parang kape lang ayaw mag-share!"
Aba at nangatwiran pa talaga??!! Sya pa galit! Sya na nga 'tong nanguha
ng kape ng may kape!!! GRrrrrr!!!!
"Lam mo ikaw din eh, dami mo din sinasabi, ayan na nga oh hawak mo na
yung tasa, naka-inom ka na nga ng KA-PE KO eh (inemphasize ko talaga yung
"kape ko").. Nagrereklamo ka pa.. Tsaka masarap naman diba?! Sabi kasi
nila pag hinalo mo daw ng maingay yung kape, mas sasarap daw.. o cge inom
ka pa uli.."
"Talaga?!" Ay tanga! Naniwala naman sya,.. at uminom nga ulit.. "Oo nga
'no..." Ay ang paniwalain nga naman... Eh kung sabihin ko kaya sa kanya
na tatalino sya pag naglagay sya ng brief sa ulo habang natutulog,
maniniwala kaya sya??!! Wahahahaha!!! Ma-try nga minsan, tapos pipicturan
ko sya habang natutulog.. malay baka may mapag-gamitan ako sa future...
Wahahaha!!!!
=================
Chapter 1: Sunday Morning (3rd part)
Dahil wala na akong magagawa at malapit na din nyang maubos yung kape na
tinimpla ko, nagtimpla na lang ako ng panibago..
"Salamat sa kape ah!" Aba.. marunong din naman pa la syang magpasalamat
kaso pagkatapos nyang mag-kape nilagay nya lang yung tasa sa lababo..
"Uy, hugasan mo yang pinag-inuman mo!" utos ko sa kanya..
"Oo, cge.. mamaya pero maliligo muna ako.." sabay kuha ng towel at pasok
sa banyo..
Hay ganyan naman sya palagi eh, sasabihin "oo, mamaya na, may gagawin
muna ko" pero ang ending nun di naman nya gagawin at ako din gagawa..
Maalala ko maliligo daw sya kaya kinatok ko sya sa banyo..
"Uy, huwag mo ubusin yung tubig sa drum ah! maliligo din ako! At tsaka
pwede pakilinis yung banyo pagkatapos gamitin.." May oras kasi ang tubig
dito sa amin, kaya nag-iipon kami. At ugali din kasi nyang iwan ng madumi
yung banyo ang ending ako na naman ang gagawa.. Kala mo may tiga-linis!
Alam ko anak mayaman sya, at sanay sya na may naglilinis para sa kanya..
pero ibahin nya dito.. Hindi lang dapat kami sa renta magka-hati, pati
dapat sa gawaing-bahay.. Hay, kung di lang talaga kulang yung sweldo ko
at yung padala nina itay.. Di ko sya pagtyatyagaan noh!!
Gusto nyo malaman ang buong kwento.. bakit kasama ko 'tong mokong na 'to
at pinagtyatyagaan ko ang magaspang na pag-uugali nya? Cge ikwekwento ko
sa inyo...
**Flashback**
2 weeks ago....
Huhuhuhuhu... "Mia, ano bang gagawin ko? Kahit anong tipid ko di pa din
talaga magkasya yung padala sa akin nina itay, kahit isama mo pa yung
sweldo ko.. Di ko na talaga alam ang gagawin ko.. Tulungan mo naman
ako.." Si Mia nga isa sa mga kaibigan ko sa school at working student din
sya tulad ko...
"Naku Tina, kung mayaman nga lang ako eh.. Siguro pinag-aral na kita...
Eh kung maghanap ka kaya ng roommate mo, para may kahati ka sa rent..
pwede naman diba?"
"San naman ako maghahanap?"
"Eh di mag-post ka sa bulletin board sa may faculty.. o kaya sa harapan
ng school, o magtanong-tanong ka sa mga classmates mo.. malay mo may mga
estudyante na nangangailangan ng matitirhan.."
"Oo nga noh.. ok yang idea mo na yan.."
Sa labas ng faculty room sa may bulletin board...
"Ano sa tingin mo ok na kaya 'to? tanong ko kay Mia habang dinidikit ko
yung papel sa board na may nakalagay na ...
Wanted: Roommate
Near the school
Contact No. 0915-XXXXXXX
Look for TINA
"Oo, ok na yan.. tapos mag-dikit pa tayo sa labas ng school, magtatanong
din ako sa ibang classmates ko."
Sa mga oras ding yun, may 2 lalakeng nag-uusap sa likuran namin ni Mia..
"Pare, laki ng problema mo.."
"Sinabi mo pa, pina-cut ni Dad lahat ng credit cards ko, ang allowance ko
pare 10k a month lang.. Anong mangyayari sa 10k diba? Pati yung condo
pare di na ko pwede mag-stay.. Ayoko pa namang umuwi sa'min kabadtrip si
Dad.. Pag naayos ko na daw yung grades ko tsaka lang nya ibabalik lahat
sa akin.. Grabe san kaya ko maghahanap ngayon ng titirhan.."
"Titirhan ba kamo.. ayan oh..." sabay kuha nung papel na kadidikit ko
lang sa board..
"Uy, uy.. bat mo tinanggal? Interisado ka ba?" tanong ko dun sa lalaki na
kumuha nung papel..
"Hindi ako, pero sya oo.." tapos tinuro nya yung kasama nya... Isang
lalaki na matangkad, gwapo at ang ganda ng katawan.. parang model..
makalag-lag panty.. ahahaha!!! landi-landi ko...
"Ano ba yan? Patingin nga.." sabay hablot nung papel na hawak nung friend
nya.. tapos binasa nya..
"Kaw ba si Tina?" tanong nya sa akin...
"Oo."
"San ba 'to? tsaka magkano rent?"
"Ah a-ano malapit lang dito sa school, pwedeng mag-tricycle o kung
masipag ka maglakad pwedeng lakarin.. 2500 yung rent.. eh kaso ayoko ng
roommate na lalaki.."
"Ayos ka din 'no, sinagot mo lahat ng tanong ko tapos ayaw mo naman pala
ng roommate na lalaki.. para san pa 'tong pag-uusap natin.. aksaya ka ng
panahon ko! At tsaka miss, wag ka mag-alala.. di ikaw ang tipo ko.. " Ay
galit si kuya at ang yabang pa!! Gwapo pa naman pero ang ugali ang
gaspang... Eh anong magagawa nya.. dalagang filipina ako... ehem... tsaka
di rin naman sya ang tipo ko noh..
"Ay teka lang pogi ah.. kausapin ko lang 'tong friend ko.." sabay hatak
sa akin ni Mia..
"Ano ka ba Tina??! Ayan na solusyon sa problema mo, tumatanggi ka pa??!
At di mo ba kilala yang kausap mo?"
"Ay sensya, hindi eh.." eh sino nga ba sya.. anak ba sya ng presidente,
senador o congressman.. o baka naman prinsipe sya, kaso wala namang ganun
dito sa Pilipinas diba?
"Sya lang naman si Samuel Blake Garcia, ang pinakasikat na estudyante
dito sa school!! My god Tina, sobrang swerte mo.. magiging roommate mo
yang gwapong lalaking yan.. lahat ng babae dito sa school paniguradong
maiinggit sa'yo! Kaya pumayag ka na.."
"Mas excited ka pa sa'kin eh.. palit na lang kaya tayo ng bahay gusto
mo?"
"Ay Gaga ka talaga.. namimilosopo pa.. Ano na?"
"Ano ba, matagal pa yang kwentuhan nyo dyan?" masungit na tanong nung
Blake.. pasalamat sya kailangan ko talaga ng pera...
"O sya.. cge na.." sagot ko kay Mia..
"Ok na.. payag na sya.."
"One month deposit.. 2 months advance.. payag ka don?"
"Cge, pero dapat makita ko muna.. tapos pag ok sa akin ibibigay ko agad
yung bayad" aba, yan ang gusto ko, mabilis magbayad...
"Kelan mo gusto makita?" tanong ko kay Blake
"Ngayon din.."
"Ay teka, may klase pa ako.."
"Ayaw mo.. Cge madali naman akong kausap.. magpaalam ka na sa 1 month
deposit at 2 months advance.."
Aaahhhh!!!! Grabe sya.. HUhuhuhu... kung di lang talaga ako gipit..
mapipilitan pa tuloy akong di pumasok...
"O sya, cge, ngayon din po kamahalan..."
"Nang-aasar ka ba?" ay naiinis.. ayaw nya ba nun?? kamahalan na nga tawag
sa kanya.. kasi para syang hari kung makapag-utos..
"Hindi.. hindi.. di ka na mabiro.. So ano tara na?"
**End of Flasback**
So iyon po ang buong kwento... Mabalik tayo sa present....